Adolf Hitler

Ito si Adolf Hitler, ang lalaking nagpauso ng bigote na nasa baba lamang ng ilong, ang nagpauso ng krus na bakal at ang nagpauso ng paniniwalang Nazi, uso rin sa kanya ang pagpapasabog ng sariling bayan ng ama para sa di malamang dahilan.

Sa totoo lang, si Adolf Hitler ay naging Der Fuhrer o Diktador ng bansang Alemanya noong 1933 hanggang 1945. Magaling na sundalo itong si Hitler, di niya sinasanto ang bala, may kwento akong nabasa na tumatawid siya sa gitna ng crossfire,  mas masaya daw makipagpatintero sa bala dahil mabibilis ang mga ito, di tulad ng mga batang noob na kalaro nya nung bata siya, decorated tong taong to pagdating sa digmaan, genius.

Nung World War I, si Hitler ay nagsilbi bilang sundalo sa German Army, twice nakakuha ng Iron Cross, Pro talaga. Pero minsan naospital siya dahil sa pagsinghot ng mustard gas(NOTE: Uso nung World War I ang Poison Gas attacks), di ko akalain na tatablan ng mustard gas ang taong di sinasanto ang bala, at sa gitna ng hysteria habang nakikipaglaro siya sa sinapit, nabuo sa isip nito na ang tanging misyon nya sa buhay ay “iligtas ang Alemanya”.

Kaya naman, ginawa lahat ni Hitler para maging Diktador ng Germany. Pinapatay nya ang ilang kalaban niya, napaka gandang paraan para manalo talaga sa election, nuon pa man e talagang me extra judicial killing na.. XP

Nang sumiklab ang World War II, nasakop ni Hitler ang karamihan ng bansa sa Europe, kasama ang Poland, France, Netherlands at kung anu anu pa. Corny. Pinapatay din ni Hitler ang 6 na milyong jews ng panahong ito, ito ay tinawag na “Holocaust”. Bakit nga ba nagawa ni Hitler ang genocide na ito? Ito ay dahil naniniwala si Hitler na Jews ang may kasalanan kung bakit bumagsak ang Alemanya at naghirap matapos ang World War I, dag-dag pa rito, pinaniniwalaan ni Hitler na ang Germans ay “Aryans” o superior sa ibang lahi. Lahat ito nagawa ni Hitler dahil sa ideolohiyang ito.

Nagbaril siya sa ulo ng bumagsak ang Berlin sa kamay ng allies noong 1945. Pareho silang nagpakamatay ng asawa nyang si Eva Braun sa loob ng isang bunker. Me kagat kagat pa nga daw silang Cyanide. Astig.

Napakagaling ni Hitler sa mga ginawa nyang katarantaduhan. Ok na sana ang pagiging na magaling militar pero hindi ang pagiging magaling na mamamatay tao. Maraming tuloy galit sayo ngayon Hitler, Damned One ka daw, ikaw mismo ang World War II at ang World War II ay ikaw, at ngayong nasa libingan ka na, magsilbi sanang aral sa mundo ang mga nagawa mo.

Pero infairness, Swabe sana ang bigote mo.

Source ng larawan: http://www.solarnavigator.net/history/explorers_history/adolf_hitler_portrait.jpg

Tags: , , , , , , ,

2 Responses to “Adolf Hitler”

  1. sikreto:P Says:

    salamat po dito. nsagot ko din ung hw ko n 1hr ko ng hnhnap s book ung answer. haha. thnks tlaga. :D:D talino nyo. hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: