Dawn of a Revolution: My CINEMALAYA CINCO DIARY

Okay. Di dapat ako manunuod ng Cinemalaya nung friday, pero dahil nung araw na iyon lng ako maaring manuod, pinabangon ko ang mabigat kong katawan at nagsabing babangon ako sa bioflu, galing kasi kami ng kaibigan ko sa pag aapply ng trabaho, sa awa ng diyos………. (akla mo nakahanap kami?) Nainterview lang kami at sabi “Wait nyo na lng po nxt week ang feedback?” YES~!

Okay skip na tau sa kung anu anung shit. Dun na tayo sa parteng nasa entrance na ako:

Nagplano akong sulitin ang pagpunta sa cinemalaya kaya pinanuod ko lahat ng maari kong panoorin ng araw na yun, isa pa, me tampuhan kami ng GF ko nun, kaya walang txt, puro pelikula ako. Napagisipan kong ito ang line up ng mga papanuorin ko: 12:45 Dinig sana kita, 3:30 Colorum, at 6:15 Mangatyanan.

THE SHOUT OF DINIG SANA KITA:

Ito ang una kong pinanuod ang Dinig sana kita ni Mike Sandejas. Ito ay isang touching love story between a deaf and a troubled rocker chick, pinagbibidahan nila Romalito Mallari at ni Zoe Sandejas, umikot ang istorya sa buhay ng bingi at abandonandong si Kiko(Romalito Mallari) at ng Troubled Rocker na si Nina(Zoe Sandejas). Si Kiko isang bingi, at si Nina na rock music lagi ang nasa tenga, magandang tandem, may twist.

Magaling na mananayaw si Kiko sa storya, kahit bingi cya, nakakasayaw sila sa pamamagitan ng vibrations, ang ganda pa ng choreo nila. Si Nina naman, astig ang banda, pero SPOILER: magkakasakit din cya sa tenga.

Apektado ko sa pelikula men, nang panuorin ko ang film na ito, di ko talaga naiwasang ma immerse sa love story nilang dalawa, at isa pa, nakita ko na, di iba ang mga bingi sa atin, at di rin tayo sa kanila, kaya nila ang kaya nating gawin pwera ang makarinig, pero tayo, d natin kaya ang kaya nilang gawin, ang mabingi sa katahimikan. Mabuti pa nga ang mga bingi, di nila naririnig ang masakit na salitang binibitiwan ng tao, kaya hindi sila nagkikim-kim ng galit sa kapwa, eh tayo, nakakarinig nga tayo, pero abusado, react ng react sa bawat naririnig, at dahil sa mga naririnig di tayo nagkakaintindihan. Kung bingi lahat ng tao, baka mapayapa ang mundo, anu sa tingin mo?

Pero ang maganda nyan, bingi ka man, bulag? Patay tau dyan, walang braile sa net eh, atbp, dito sa blog ko, pare-pareho tayong tao.

Byaheng “Colorum”

Starring: Alfred Vargas | Lou Veloso

Uso to sa FX Drivers, sana pinanuod nila to. Ang Colorum ay pelikula ni John Steffan Ballesteros. Ito ay tungkol sa isang pulis na colorum ang FX at sa isang Ex Convict na gusto lamang umuwi sa kanyang anak. Si Simon ang pulis at si Pedro ang Ex convict.

Ang pagtatagpo nilang dalawa ang simula ng ibat ibang tagpo sa buhay, byaheng mula Santolan hanggang Ormoc at Tolosa, Leyte pabalik sa presinto sa Maynila. Isa itong silip sa ibat ibang pagkatao, isang pagsisiwalat ng ibat ibang bagay sa Philippine Society, kasama ang kwento ng maganda pagkakaibigan, at di makasariling gawain.

Kwento? Comment ka lng kung gusto mo ng kwento.

Pagharap sa Mangatyanan

Directed by Jerrald Tarrog.

Meet HimaLaya an outstanding photographer and a life in shadows, siya ay isang magaling na photographer at anak ni Danilo Marquez, na dalubhasa sa nasabing larangan.

Pinagsamantalahan ng tatay niya si Laya, oo, malibog ang tatay nya, pero sakit ito at hindi dala ng mataas na libido. Nasira ang pamilya ni laya dahil sa ginagawa ng tatay nya, iniwan sila ng kanyang ina dahil sa pag-aakalang may ibang babae ang tatay nya, ito ang isang magandang quote mula sa pelikula:

Iniwan kami ng nanay ko dahil akala niya, may ibang babae ang tatay ko. Oo, at ako ang kabit, ang galing noh?

Dahil sa trabaho, inatasan si Laya na i-shoot ang isang ritual na kung tawagin ay Mangatyanan ng Tribo ng Labwanan. Maganda ang pakiramdam ni Laya dahil sa tingin niya, ang mga indegenous people na lng ang mga taong hindi corrupt sa panahong ito, at sila ang pinaka “rare” na treasure ng bansa.

Pero, nag makarating sa Isabela, ang natagpuan nila ay isang tribong magulo, nahihirapang sumabay sa mga  technology advancement at nangangarap ng mas magandang buhay mula sa kabundukan.

Soon, Laya is immersed between the connection of the tribes predicaments and her own troubled life, Palpak ang Mangatyanan ritual at umalis na sila Laya, pero may nangyaring babago kay Laya at magtutuwid ng hinaharap niya mula sa baluktot niyang nakaraan.

MANGATYANAN-Poster-Web-1

Nakarelate ako sa istorya dahil kwento ito ng pagtanggap at pagmove-on. Marami rin akong kilalang me sexual encounters ng sila ay bata pa, at nakakaranas ng introversion dahil sa isang masaklap na pangyayari, mas lalo kong naintindihan ang pinagdadaanan nila.

Di man ako na rape, may alitan din kami ng tatay ko. Kung gusto mo malaman, comment ka lang. At sa ngayon, pagkatapos makita ang pelikula, naisip ko rin na baka magka-ayos din kami, pero hindi ngayon,

Kelan kaya yun?

Dawn of a Revolution: Cinemalaya

Masasabi kong iba ang Cinemalaya ngayong taon kesa sa mga nakaraan. Taon-taon, paganda ng paganda ng Cinemalaya. Kung ihahalintulad ko ang Cinemalaya sa Philippine Revolution, isa itong bayani, isang bayaning pilit na bumabago sa kanyang nasa paligid, bayaning nagsisilbing insprasyon.

Di man katulad ng foreign films na bigatin ang budget, ang pinoy indie films ay low budgeted but highly acclaimed. Naipapakita ng mga pelikula dito ang karaniwang di nakikita ng tao, at yun ay ang mga simpleng kwento, pangyayari at storya sa mga paligid nila, mga kwento ng di sikat at normal na tao.

Masasabi ko rin na ito ang simula ng pagtangkilik natin sa pinoy indies, nagsisimula ng mamukad-kad ang bulaklak ng cinemalaya, with increased audience and public awareness, padami ng padami ang  audience count nito every year, at matapos ang mga show may kakaibang ngiti sa audience na magsasabi sayo na kuntento sila.

Cinemalaya will surely start a revolution among filipino film enthusiasts and audience.

Nanood ka ba? Kung hindi, manood ka, dahil recommended to, maganda, dapat kahit minsan sa buhay mo, silipin mo ang cinemalaya, makikita mo ang di mo pa nakita.


Tags: , , , , , , , , , , , , , ,

2 Responses to “Dawn of a Revolution: My CINEMALAYA CINCO DIARY”

  1. dojski Says:

    I’ve watched all three. But unlike you who saw them straight in one day, I saw them different days. But in the same order.

    Loved Dinig, not much Colorum and was surprised that Mangatyanan was good.

    • UhmBaggin Says:

      ^_^ what day did you watch? :3 i had to watch in a straight day since i only have Friday as my free day. I am busy looking for a job. :3

      Yeah, Dinig was cool, Colorum too, Lou Veloso died, *sad. Mangatyanan was cool too, i feel for her.

      Im looking forward next year. :3

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: