Mario: Through the Years

Okay, ganito, marami sa ating mga tao ang nakakakilala kay Mario. Hindi si Mario Cimarro ng El Cuerpo del Deseo. Oo, si Mariong Tubero, syota ni Princess Peach, ang kawawang si Mario.

Marami sa atin ang nakakakilala kay Mario, ngunit kilala mo ba talaga siya? Kilalanin natin si Mario dito sa…. Mga Tao: Iba’t ibang Kwento.


Sound Effects.

Ito si Mario. Voiced by Charles Martinet

Alam nyo bang si Mario ay unang lumabas sa Donkey Kong nung 1981? Jumpman or Mr. Jumpman ang pangalan nya dati.

Pano naging Mario?

Nabasa ko sa isang artikulo sa malawak na dagat ng internet na nagmula ang Mario sa landlord ng Nintendo Warehouse na si Mario Segale. Inaway ni Segale si Minoru Aikawa ng Nintendo, kaya Mario ang ipinangalan sa karakter, patunay na sikat talaga ang pang-aaway. My nag suggest na dapat tubero si Mario kesa karpintero, kaya ginawang tubero si Mario.

2D Mario versions

Ang Super Mario Bros. ang unang Mario game na inalabas sa SNES Platform, kung san ililigtas ni Mario si Princess Toadstool ng Mushroom Kingdom mula sa kabit na si King Koopa, patunay lamang na uso rin ang pag-covet ng syota ng iba mula sa mga boyfriend/girlfriend nila.. Joke lang. Peace.

Sa bersyon ng Mario na ito, magsisimula si Mario sa world 1-1 upang makarating sa world 8 kung nasan ang prinsesa at naghihintay kasama ni King Koopa.

1981 – 1990

Super Mario Bros. 2

Sa Super Mario Bros. 2, maari ka ng mamili ng karakter na gagamitin mula kay Mario, sa kapatid nyang si Luigi, kay Toad na isang toadstool mushroom at kay Princess Peach. Pero say, si Mario ang bida kaya IMBA pa rin siya sa larong ito.

Super Mario Bros. 3

Super Mario 3, ibang kwento, ililigtas mo dito ang mga hari ng 7 kingdoms para bumalik sa payapa at normal ang buhay sa Mushroom World, kung dati kingdom lang, ngayon world na. Dito nagsimula na maglabas ang Nintendo ng Power-ups para sa ating Bida.

1989 – 1992

Super Mario Land

Sa Super Mario Land, linear pa rin ang kwento, at 2D side scrolling pa rin ang presentation. Iba na ang kalaban, si Tatanga, isang tatanga-tangang alien na kumidnap kay Princess Daisy, tanga siya dahil di nya alam na kayang talunin ni Mario ang lahat ng kalaban dahil bida siya, at dahil kalaban si Tatanga, talo siya.

Dr. Mario

Sa doktor Mario, isang spin-off the orihinal na laro, nagbabato si Mario ng vitamins na iba-iba ang kulay at kailangan mong pagpatung-patungin ang mga magkakapreho ang kulay at may mechanics ng tulad ng sa brick game.

Super Mario World

Dinosaur World ang pauso nito at nangyari matapos ang Super Mario 3. Kasama nya rin dito si Luigi. Si Bowser King of Koopas ang kalaban niya dito, sa aking opinyon mas mataas talaga ang ranggo ni Bowser kesa kay Koopa dahil, King of Koopas nga ang titulo nya.

Super Mario Land 2: 6 Golden Coins

Dito naman, si Wario ang kalaban ni Mario, pansining ang W ay binaliktad na letrang M, nagpapahiwatig na masamang Mario si Wario magkamukha sila ngunit magkaiba ng kulay ng damit.

Wario

Wario

Sa larong ito, kelangan makuha mo muna ang 6 golden coins bago makapasok sa kastilyo nitong si Wario at talunin siya upang matapos ang laro.

1995 – 2002

Super Mario World 2: Yoshi’s Island

Okay dito unang nagdebut si Baby Mario at Baby Luigi, kukunin ng isang ibon si Baby Luigi at babagsak si Mario sa Yoshi’s Island kung san makakasama nya si Yoshi isang berde, friendly at dinosaur na may sapatos. At oo, tama ka, kasama mo siya sa pagligtas sa nawawala mong kapatid.

First 3D Mario: Super Mario 64

Dito unang naging 3d si Mario, kita mo na ang bibig nya at rotatable ang kamera, personally, ito ang pinaka gusto kong Mario dahil meron itong elemento ng isang RPG na laro, 3rd person at view at roaming sa isang mundo ang pauso.

Sa larong ito, kukumpletuhin mo ang 120 power stars upang maibalik si Princess Peach sa kanyang kastilyo, well 100 lang talaga ang kailangan mo pero 120 dapat para 100% ang completion ng laro. 3 beses mo tatalunin si Bowser dito sa pamamagitan ng paghahagis sa kanya sa mga bomba.

Paper Mario

Sa paper Mario, 7 star spirits ang dapat makuha mo upang matalo si Bowser at si Kammy Koopa

Super Mario Sunshine

Sa Super Mario Sunshine, si shadow Mario ang kalaban mo dito, magiging vandal si shadow Mario at ikaw ang pagbibintangan, mapapadala ka tuloy sa Delfin Island kung san dapat mo nanaman iligtas si Princess Peach at linisin ang island gamit ang FLUDD isang device na gawa ni Prof. E. Gadd.

2006 – Present

New Super Mario Bros.

Anak na ni Bowser ang kalaban mo dito, si Bowser Jr. Si Peach ulit irerescue mo dito, nakakapagod na maglitas ng mga prinsesa, hay.

Super Mario Galaxy

Sa Super Mario Galaxy, dadalhin ni Bowser ang Castle Peach kasama ang prinsesa at ang mga power stars sa outer space, ngayon mapupunta ka sa ibat- ibang planeta para makuha muli ang power stars, at eventually, talunin at iligtas ang prinsesa mula kay Bowser.

Spin-offs

Marami pang laro na mula sa Mario Franchise, ilan dito ang mga ito:

Mario Paint

Mario Pinball Land

– Super Mario RPG: Legend of Seven Stars

– Mario and Luigi: Super Star Saga

– Mario and Luigi: Partners in Time

– Mario and Luigi: Bowser’s inside story

– Mario Kart

– Mario Golf at Mario Tennis

– Mario Party

– Mario and Sonic: Olympic Games

Appearances:

Marami ang cameo ni Mario sa maraming laro ilan dito ang:

Tennis sa family computer: Referee siya dito.

Punch Out:Referee din siya dito.

Legend of Zelda: Portrait siya dito.

Metal Gear Solid: Legend of twin snakes: Estatwa siya dito kasama si Yoshi.

Super Smash Bros: Fighting game to kasama ang ibang karakter ng Nintendo. Astig.

Live Action: Nagkaroon si Mario at Luigi ng Live Action sa Ch. 5. Si Lou Albano ang gumanap na Mario.

Final Notes:

Si Mario ang mascot ng nintendo at ayon sa isang poll ng 2008, Most Popular Video Game Character siya, outclassed sila Cloud Strife at Solid Snake. Pogi man daw, si Cloud at S.S, wala pa rin sila sa tubero, dahil pang Tunay na Lalaking trabaho ang tubero(sabi ko lang pero wala ito sa manifesto ng pagiging tunay na lalaki). Sawa na rin pati ako kay Cloud, at medyo rin kay S.S.

Oo, sikat si Mario kaya kasama siya sa sikat section natin, di man tunay na tao, patunay na tao pa rin si Mario dahil siya ang “ the guy who saves the damsel in distress “, hobby ito ng mga tao para magka girlfriend, sympre ung damsel yung magiging gf mo, astig talaga, me concept. haha.

Marami tayong pinasaya ni Mario, marahil hindi makukumpleto ang pagkabata natin dahil sa kanya, at dahil dito, nagpapasalamat kami sa Nintendo at sa pambihirang tubero na nagliligtas ng mundo.

Mga pasasalamat:

http://en.wikipedia.org

http://tunaynalalaki.blogspot.com dahil na mention ko ang ilang resource sa blog nila dito.

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

8 Responses to “Mario: Through the Years”

  1. Frame-kun Says:

    tunay na lalaki ba si mario?
    parang legend of kage rin kasi… ligtas ka ng ligtas
    ng prinsesa wala man lang score..

    • UhmBaggin Says:

      uu nga, tingin ko TnL si Mario dahil marami siyang chicks, at baka sa last mario game, maka score na cya sa prinsesa at makita natin ang love scene nila. :3

  2. Hampazlupa Says:

    [IMG]http://i116.photobucket.com/albums/o26/tagagloria/marioevo.gif[/IMG]

  3. Hampazlupa Says:

    [IMG]http://i116.photobucket.com/albums/o26/tagagloria/marioevo.gif[/IMG] …

  4. Suzan Thakela Says:

    So many variations over so many year, but mario is super mario all the way

  5. Shane Bertou Says:

    Frankly, I haven’t enjoyed the Super Mario franchise since Super Mario Bros. 3. So I’m pretty stoked that Nintendo is putting out a new version of the game for the Wii that closely resembles the gameplay of the “old school” games.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: