Cory Aquino bids farewell to her children..

Dapat mga di masyadong sikat ang laman ng Sikat Section, pero dahil sa mga nagawa ni Cory, kasama siya sa sikat section natin. Siya ang unang taong, sikat na na post dito, na hindi naman sana dapat, pero need eh.. wag na matanong.

Katatanong ko lang kahapon kay Brian, ang aking kaklase at kapwa BUM.. “Bri, sa tingin mo anu mangyayari kay Cory?” Sabi niya, “Obvious, bibigay na siya..” No other statement was true about what he said, on exactly 3:18 AM August 01, 2009, Former President Cory Aquino was pronounced dead.

Pero bago maisama ang pangalan ni Gng. Aquino sa history, sino ba talaga ang isang Cory Aquino? Alamin natin, dito sa Mga Tao: Ibat ibang Storya..

Maria Corazon Aquino

Si Maria Corazon “Cory” Aquino, pinanganak nung January 25, 1933, at ang unang babaeng presidente sa Asya at ang 11th president ng Pilipinas. A proclaimed “ordinary housewife”, asawa siya ng late Benigno Aquino Jr. (1932-1983). Siya ang naging Presidente matapos patalsikin ng mga tao si Marcos sa isang payapang People Power sa EDSA nung 1986.

Cory as President

Habang Presidente siya, si Cory ang napili ng Time Magazine as Woman of the Year ng taong 1986. Bilang peace advocate, na nomina din siya para sa Nobel Peace Prize ngunit natalo siya ni Elie Wiesel. Nagspeech din siya sa harap ng United States Congress at pinalakpakan ng maraming beses. Sabi pa nga ni Tip O’Neill, ang U.S. House Speaker, “thats the finest speech i’ve heard in my 34 years in congress..” san ka pa?

Sa anim na taong panunungkulan ni Cory, maraming reporma ang naipatupad nya, ilan dito ang:

– Constitutional and Law Reform

Agrarian Reform

Cory as a Woman

Bilang isang Babae, na tag si Cory bilang “The woman of Democracy”, dahil sa pagpalit sa diktaduryang rehimen ni Marcos, ibinalik niya ang demokrasya sa bansa, nagreporma ng constitution. Sumuporta sa Women’s Rights. Nang magkaron ng ilang tangkang Coup sa pamumuno niya, hinarap nya ito ng buong tapang, tulad ng isang babaeng spartan at hindi hinayaang maulit ang pagkakamali ng naunang Presidente.

Magaling na pintor si Cory, madalas daw itong nagbibigay ng paintings niya sa mga kaibigan at mga ka-berks nya.

Cory as mother and wife

Cory, as describe by her children, is a very loving mom, Senator Benigno Aquino III commented that she cooks for them, and she loves what she’s doing. From remarks of her children, Cory was a cool mom after all.

As a wife, Cory upheld her husband Benigno Aquino’s ideals and carried them on for the next generation. Bilang asawa, at nanay, si Cory ang tumayong Ama at Ina para sa kanyang mga anak, at guess what, magaling ang ginawa niya. Aprub~

Honors:

  • 1986 Time Magazine Woman of the Year
  • 1986 Eleanor Roosevelt Human Rights Award
  • 1986 United Nations Silver Medal
  • 1986 Canadian International Prize for Freedom
  • 1986 Nobel Peace Prize nominee
  • 1986 International Democracy Award from the International Association of Political Consultants
  • 1987 Prize For Freedom Award from Liberal International
  • 1993 Special Peace Award from the Aurora Aragon Quezon Peace Awards Foundation and Concerned Women of the Philippines
  • 1994 One of 100 Women Who Shaped World History (by G.M. Rolka, Bluewood Books, San Francisco, CA)
  • 1995 Path to Peace Award
  • 1996 J. William Fulbright Prize for International Understanding from the U.S. Department of State
  • 1998 Ramon Magsaysay Award for International Understanding
  • 1998 Pearl S. Buck Award
  • 1999 One of Time Magazine’s 20 Most Influential Asians of the 20th Century
  • 2001 World Citizenship Award
  • 2005 David Rockefeller Bridging Leadership Awards
  • 2005 One of the World’s Elite Women Who Make a Difference by the International Women’s Forum Hall of Fame
  • 2006 One of Time Magazine’s 65 Asian Heroes
  • 2008 One of A Different View’s 15 Champions of World Democracy
  • EWC Asia Pacific Community Building Award
  • Women’s International Center International Leadership Living Legacy Award
  • Martin Luther King Jr. Nonviolent Peace Prize
  • United Nations Development Fund for Women Noel Award for Political Leadership
  • Doctor of International Relations, honoris causa, from:
    • Boston University in Boston
    • Eastern University in St. David, PA
    • Fordham University in New York
    • Waseda University in Tokyo
  • Doctor of Laws, honoris causa, from:
    • University of the Philippines
    • University of Santo Tomas in Manila
  • Doctor of Humane Letters, honoris causa, from:
    • Ateneo de Manila University
    • College of Mount Saint Vincent in New York
    • Xavier University (Cagayan de Oro City, Philippines)
  • Doctor of Humanities, honoris causa, from:
    • San Beda College in Manila, 2000
    • Seattle University, 2002
    • Stonehill College in Massachusetts
    • University of Oregon, 1995

source: http://en.wikipedia.org/wiki/Corazon_Aquino

Death

Cory died today, due to Cardiopulmonary arrest after complications of colon cancer, at the age of 76.

Matapos banggitin ang pagkamatay ni Cory, sinisigurado kong lahat ng Pilipino napatigil, naramdaman nilang may nawala. Natutunan tayong mahalin ni Cory bilang kanyang kapwa Pilipino, natutunan natin siyang mahalin bilang tao at kaisa natin sa mabuting hangarin para sa bansa.

Sa kanyang pagkawala, isang kandila na nagsisilbing liwanag sa bansa ang unti unting natunaw, isang ilaw, apoy na gumagabay at nagsisilbing tanglaw nating mga pilipino sa gabing madilim, nakakalungkot na ang liwanag ni Cory ay hindi na umabot ng umaga, lalo na’t ang Pilipinas ay nasa oras ng kadiliman o ala una ng gabi.

Kahit wala na ang dating Presidente, alam ko, hindi nawala ang kanyang mga nai-contribute sa bansa, alam kong mananatili sa atin ang mga naituro nya at lalo na ang pagaalay ng sarili para sa mga Pilipino, hinding-hindi natin ito malilimutan, maglaon man ang panahon, mabura man ang ngalan nya sa lapida, si Cory ay mananatili sa ating mga libro, memorya at mailuluklok siya bilang parte ng ating pagkapilipino.

Hanggang sa huling sandali, sinasabi niya na “Take Care of each other”, para sa akin, hindi lang para sa anak niya, sa pamilya niya ito sinasabi, sinasabi niya ito sa atin, sa kanyang kapwa Pilipino, sa iyo, sa akin, hindi na rin naman tayo iba sa kanya. Pakiramdam ko tuloy para narin niya tayong anak.

Hindi man, matupad ng mga Pilipino ngayon ang kahilingan ni Cory na magkaisa, alam ko me balang araw din ito. At habang nagluluksa ang bansa sa pagkawala ng isa sa mga tanglaw nito, nais magpasalamat ng blog na ito sa iyo Gng. Corazon Aquino. Maraming salamat, at paalam.

Special Thanks:

http://en.wikipedia.org/wiki/Corazon_Aquino

http://femmepower.crunchystyle.com/2009/07/26/cory-aquino-a-woman-of-democracy/

http://www.freefoto.com/images/90/20/90_20_8—Two-Advent-Candles_web.jpg

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: